Meron pa palang 9 na water suppliers sa Angeles City.
July 22, 2026, nagsagawa ng Session ang Sangguniang Panlungsod ng Angeles City para pag-usapan ang panukalang Ordinansa PO-574-06-26, ang “Angeles City Consumer Right to Utility Information and Transparency Ordinance.” Ito ay itinaguyod ni Konsehal Maricel Morales-Agoncillo, sa pamamagitan ng Committee on Laws & Rules and Public Utilities chaired by Councilor Arvin M. Suller and Committee on Human Rights chaired by Councilor Jeselle Ann V. Dayrit.
Mukhang maganda ang hangarin, protektahan ang karapatan ng mga consumers laban sa pagkukulang ng mga utility provider. Pero kapag sinuri mo nang mabuti, may isang malaking problema: bakit PrimeWater lang ang palaging tinutukoy, samantalang may SIYAM (9) pa palang kumpanya ng tubig na naglilingkod sa 40% ng mga consumers sa Angeles City?
Narito ang mga waterworks na tila hindi kailanman napansin ng ating Sangguniang Panlungsod:
1.Teresa Waterworks Incorporated
2.Balibago Waterworks System Inc.
3.Villages Water
4.BO Waterworks
5.Calsons Waterworks
6.Taguete Waterworks
7.Trilan Waters
8.Lago Waterworks
9.Leoncia Waterworks
Ang siyam na operator na ito ay hindi mga maliliit na water utility providers. Sila ay mga established na kumpanya ng waterworks na naghahatid ng INUMING TUBIG sa mga residential areas, mga establisimyento, at sa mga barangay sa Angeles City. Gayunpaman, sila ay tila ganap na WALA SA RADAR ng Sangguniang Panlungsod?
Bakit?
Tunay na may pagkukulang ang PrimeWater sa kanilang serbisyo. Ngunit ang isinusulong na consumer welfare ay hindi kapani-paniwala kapag ito ay nagiging selektibo. Ang isang panukalang ordinansa tulad ng PO-574-06-26 na tila pumupuna sa isang may pagkukulang na utility service provider habang nagsasawalang-kibo sa siyam na iba ay hindi isang tunay na batas, bagkus ito ay matatawag na “sandata” in English a weaponized ordinance.
Ang kritikal na tanong: BAKIT ang nadidiin ay ang Primewater lamang? Ito ay isang tanong na may karapatang itanong ng sinumang mamamayan, at may obligasyong sagutin ng Konseho ng Lungsod. Ang prinsipyo ng transparency ay dapat hindi lamang magamit sa mga water utility providers, kundi pati sa mga lehislador na nagre-regulate sa kanila.
Kung tunay na nakatuon ang Sangguniang Panlungsod sa mga karapatan ng mamamayan ng Angeles, hindi ito dapat nagiging SELECTIVE. Dapat hilingin sa SIYAM (9) na ibang water service providers, ang mga resulta ng pagsubok sa kalidad ng tubig, mga water leaks, contamination, at mga plano ng pagpupuhunan sa imprastraktura- hindi lamang kay PrimeWater, baka kasi minsan ang nagrereklamo na walang tubig ay hindi naman pala sa Pimewater kundi isa sa mga SIYAM (9) na ibang service providers.
Dapat maipaliwanag ng Sangguniang Panlungsod kung bakit pinili nilang hindi usisain ang kalagayan ng 40% ng mga water consumers sa Angeles na ang serbisyo ng tubig nila ay mula sa ibang service providers.
Ito ba ay isang tunay na pagtatangol para sa mga karapatan ng Angelenos, o politikal na pagpapakita ng galing para sa di-nakalantad na interes sa negosyo?
#AngelesCityWaterCrisis #SelectiveAccountability #TubigSaAngeles #SangguniangPanlungsod #ConsumerRightsPH #PoliticalGrandstanding #PanAnaliksikNaPatnugot
