ACWD Leads Massive Tree-Planting Drive to Protect Watershed and Secure Clean Water for Angeles City 🌱💧

ANGELES CITY – Nagsagawa ang Angeles City Water District (ACWD) ng sunod-sunod na tree-planting activities bilang bahagi ng kanilang Adopt-a-Watershed Reforestation Project na layong pangalagaan ang kalikasan at mapanatili ang suplay ng malinis na tubig sa lungsod.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga kawani ng ACWD, PrimeWater Infrastructure, mga kinatawan ng media, at iba pang stakeholders.

Samantala, bilang pagdiriwang ng World Water Day at International Women’s Month, muling nagsagawa ang ACWD, katuwang ang PrimeWater-AC, ng ikalawang major tree-planting activity.

Ayon sa ACWD, bahagi ang mga aktibidad na ito ng kanilang patuloy na adbokasiya na pangalagaan ang Abacan River at ang Angeles watershed, na mahalaga sa suplay ng tubig at sa pangkalahatang kalikasan ng lungsod.

Patunay ang mga hakbang na ito na seryoso ang ACWD at mga katuwang nito sa pangangalaga ng kalikasan at sa pagsusulong ng sustainable na suplay ng tubig para sa mga Angeleño.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *