Mekeni Connects with Consumers and Partners at World Food Expo – WOFEX 2026

MANILA, Philippines – Mas pinatibay ng homegrown Filipino food brand na Mekeni Food Corporation ang commitment nitong ilapit sa mas maraming consumers at business partners ang de-kalidad na produktong gawa ng Pilipino sa pamamagitan ng paglahok nito sa katatapos lamang na World Food Expo (WOFEX) 2026 sa World Trade Center Manila.

Mula July 29 hanggang August 1, nagsama-sama sa WOFEX 2026 ang mga food manufacturers, distributors, retailers, foodservice professionals, at iba’t ibang industry stakeholders. Naging mahalagang venue ito para sa mga brand na maipakita ang kanilang products, makipag-ugnayan sa consumers, at makabuo ng mga bagong business partnerships.

Sa loob ng apat na araw, naging kapansin-pansin ang Mekeni booth dahil sa malawak nitong lineup ng mga produktong patok sa Filipino families at foodservice businesses.

Isa sa mga tampok sa kanilang booth ang lumalawak na sausage portfolio ng Mekeni, kabilang ang Mekeni Specials 4Cheese Sausage, Hungarian Sausage with Cheese, at Breakfast Sausage-mga flavorful at convenient options na perfect para sa pang-araw-araw na meals, family gatherings, at iba’t ibang occasions.

Hindi lamang produkto ang ipinakita ng Mekeni sa WOFEX. Naging pagkakataon din ito para direktang makipag-connect ang kumpanya sa consumers, retailers, distributors, at industry partners. Sa ganitong paraan, patuloy nitong pinapalakas ang posisyon nito bilang isang proudly homegrown Filipino brand na unti-unting lumalawak ang presensya sa local at international markets.

“WOFEX gives us a valuable opportunity to connect with our consumers and partners while showcasing the quality, innovation, and Filipino pride that continue to define Mekeni,” ani Mekeni President Pruds Garcia.

Bahagi rin ng WOFEX participation ng Mekeni ang patuloy nitong pagsusumikap na mapalawak ang market presence, mapatatag ang business partnerships, at maipakilala ang mga produkto nito sa mas maraming consumers sa pamamagitan ng meaningful industry engagements.

Ngayong ipinagdiriwang ng Mekeni ang ika-40 taon nito, ang paglahok sa WOFEX 2026 ay bahagi ng mas malawak nitong anniversary journey sa ilalim ng temang “May Kwento sa Bawat Timpla.” Ipinagdiriwang nito ang apat na dekada ng mga kuwento, lasa, at masasayang sandaling pinagsaluhan ng Mekeni at ng mga pamilyang Pilipino.

Mula sa bawat almusal hanggang sa bawat salu-salo, patuloy na naghahatid ang Mekeni ng pagkaing may kalidad, innovation, at tunay na Filipino pride.

Mekeni sa WOFEX 2026: may lasa, may innovation, at higit sa lahat-may kwento sa bawat timpla.

#Mekeni #WOFEX2026 #MayKwentoSaBawatTimpla #FilipinoMade #FilipinoFoodInnovation #ProudlyFilipino

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *