National Arts Month, mas makulay sa MOPAC

Nakikiisa ang Museum of Philippine Arts and Culture (MOPAC) ng Andrea Domingo Foundation sa pagdiriwang ng National Arts Month sa isang must-see exhibit tampok ang 21 winners mula sa kauna-unahang national painting competition na isinagawa katuwang ang Art Association of the Philippines (AAP).

Sa Feb. 6, 1PM, pormal itong bubuksan nina ADF Chair Andrea Domingo at AAP President Fidel Sarmiento sa MOPAC na matatagpuan sa tapat ng St. Scholastica’s Academy, Brgy. San Agustin, City of San Fernando.

Ang exhibit ay kaakibat ng tema ng National Arts Month na “Ani ng Sining: Katotohanan at Galing.” Makikita sa mga nanalong obra ang matapang na mensahe tungkol sa kahirapan, korapsyon, at pagkasira ng kalikasan, patunay na ang sining ay hindi lang ganda, kundi boses ng katotohanan.

Bukod sa top winners (1st, 2nd, 3rd), tampok din ang:
🖌️ 5 Merit Awardees
🖌️ 13 Honorable Mentions
🖌️ 12 MOPAC Choice works
🖌️ 8 artworks mula sa AAP officials

Libre ang exhibit para sa publiko, habang may minimal entrance fee para ma-explore ang buong museum.

Sa loob ng MOPAC, matutunghayan din ang mga obra ng Presidential Medal of Merit Awardees, Mabini Art Movement, 13 Artist Awardees, National Artist Awardees, at isang cultural section na may religious relics at artifacts.

Kung mahilig ka sa art, kultura, at makabuluhang kwento sa likod ng bawat pintura, this is your sign to visit MOPAC this February. 💛🇵🇭

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *