Bahay muna bago biyahe

Pinapabilis na ni Sec. Banoy Lopez ang pagpapatayo ng mahigit 16,000 housing units para sa mga pamilyang maaapektuhan ng proyekto ng North-South Commuter Railway (NSCR).

Sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., siguradong may maayos, ligtas, at disenteng malilipatan ang bawat pamilyang kailangang ilipat dahil sa konstruksyon ng tren.

Kamakailan, nag-turnover ang DOTr ng:

✅ 80 housing units sa Biñan, Laguna

✅ 170 housing units sa San Fernando, Pampanga

At tuloy-tuloy pa ang mga susunod na turnover sa mga darating na buwan.

Hindi lang ito basta pabahay, may kasama ring kumpensasyon at tulong pangkabuhayan para makapagsimulang muli ang mga pamilya.

Ayon kay Asec. IC Calaguas, hindi pababayaan ng DOTr ang mga mare-relocate at magiging kaagapay nila ito sa buong proseso.

Nagpasalamat din si Biñan Mayor Angelo Alonte dahil ang proyektong ito ay simbolo ng pag-asa, dignidad, at mas maayos na kinabukasan para sa mga benepisyaryo.

Kasalukuyang tinatapos ang iba’t ibang relocation sites tulad ng:

🏘️ The Meadows – 2,030 units

🏘️ Sining Residences I & II – 2,448 units

🏘️ Rizal Ville – 2,130 units

🏘️ Naic, Cavite site – 5,452 units

Sa Pampanga, katuwang ang NHA para sa relocation ng mga pamilya mula Angeles City, San Fernando City, at Calumpit, Bulacan.

Siguradong may lilipatan. Siguradong may pag-asa.

#DOTrPH🇵🇭#BagongPilipinas#KomyuterMuna

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *