Binabantayan ang Tubig ng Angeles
Nakipag-ugnayan ang PrimeWater Angeles sa PNP-Angeles City, mga opisyal ng barangay, at ACWD sa isang Oversight Committee Meeting para palakasin ang seguridad ng komunidad at protektahan ang suplay ng tubig ng lungsod.
Kasama sa napag-usapan ang mas pinaigting na pagpapatupad ng Lambat-Sibat kontra ilegal na droga at sugal, at ang mas mahigpit na aksyon laban sa mga illegal water connections at nakawan ng metro ng tubig.
Ang illegal water tapping ay hindi lang paglabag sa batas, nakakaapekto ito sa hina ng tubig sa mga bahay at delikado pa sa oras ng sunog.
Kung may napapansin kayong kahina-hinalang koneksyon o gawain, agad i-report sa inyong barangay o sa PNP. Sama-sama, protektahan natin ang tubig ng bayan. ![]()
![]()
(In main photos on the left is PLTCOL Rolando M. Doroja DCDO of the Angeles City Police Office and on the right is GM Guy Lopez of the Angeles City Water District)
