PINALALAKAS ANG KAPAYAPAAN AT SEGURIDAD SA PAMPANGA 🚔

City of San Fernando, Pampanga – Tuloy-tuloy ang matibay na kampanya ng Pampanga Police Provincial Office sa pamumuno ni PCOL Eugene M. Marcelo para sa mas ligtas na lalawigan. Noong January 20, 2026, 10 suspects ang naaresto sa serye ng coordinated police operations sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Pampanga.

🔴 Kontra Ilegal na Droga
Limang (5) drug peddlers ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng Candaba MPS, Lubao MPS, Arayat MPS, Mexico MPS, at Magalang MPS sa kani-kanilang AOR. Nasamsam ang 8.77 gramo ng shabu na may kabuuang halagang ₱59,636.00.

🔫 Laban sa Loose Firearms

  • Sa Floridablanca MPS, isang 27-anyos na suspek ang naaresto matapos magbenta ng caliber .22 revolver sa isang undercover operative. Sa body search, nakuha rin ang 2.14 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱14,522.00.
  • Samantala, ang Masantol MPS ay nakahuli rin ng isang 22-anyos na suspek at nakasamsam ng caliber .38 revolver, isang (1) bala, at 1.54 gramo ng shabu na may halagang ₱10,472.00.

👮 Mas Pinalakas na Manhunt Ops
Matagumpay na naaresto ng Mexico MPS (2 arrests) at Mabalacat CPS ang tatlong (3) wanted persons na may kinakaharap na kaso ng Violation of Provincial Ordinance Section 5, Theft, at Qualified Theft.

“Ang mga intel-driven at strategic operations na ito ay bahagi ng tuloy-tuloy naming pagsisikap para mapanatili ang stable peace and order sa Pampanga. Sa pagbuwag ng illegal activities at pagpapakulong sa mga lumalabag sa batas, mas napapanatili naming ligtas ang ating mga komunidad at ang tiwala ng publiko,” pahayag ni PCOL Marcelo.

#BagongPNPparaSaBagongPilipinas
#SerbisyongMabilisTapatAtNararamdaman
#WeServeAndProtect
#ExcellenceIsOurBaselineServiceIsOurLegacy

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *